Ipinag-utos ni Land Transportation Office (LTO) Chief Vigor Mendoza II ang paghuli sa mga colorum vehicles at taxi drivers na tumatangging magsakay ng pasahero ngayong Christmas season.
Partikular na inatasan ni Mendoza ang Law Enforcement Service ng ahensya na mag-deploy ng mga tauhan sa malls at ibang lugar sa Metro Manila at urban areas sa bansa.
Magkatuwang na ipapatupad ng LTO at Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang operasyon na tinawag na “Oplan Pasaway.”
Batay sa kanyang karanasan at reklamo ng mga pasahero,sinabi ni Mendoza na maraming taxi driver ang tumatangging magsakay ng mga pasahero ngayong panahon ng kapaskuhan.
Aniya, panahon din ito ng pagsulputan ng mga colorum na public utility vehicles.
Makikipagkoordinasyon din ang LTO sa PNP Highway Patrol Group upang maging katuwang ng LTO enforcers sa operasyon.| ulat ni Rey Ferrer