Pagkakaroon ng isang National Missing Persons Database, itinutulak ng Iloilo lawmaker

Facebook
Twitter
LinkedIn

Upang mapadali ang muling pagsasama ng mga magkakapamilyang nawalay, ipinapanukala ng isang mambabatas ang pagtatatag ng isang National Missing Persons Database at pagkakaroon ng libreng DNA testing.

Sa House Bill 9529 o National Missing Persons Database and DNA Testing Act ni Iloilo Representative Julienne Baronda, magkakaroon ng isang central repository ng lahat ng impormasyon patungkol sa mga nawawalang indibidwal.

Layon nitong i-streamline ang koordinasyon sa pagitan ng lahat ng hurisdiksyon at palitan ng impormasyon patungkol sa mga missing persons.

Para naman mas mapadali ang pagtukoy sa pagkakakilanlan ng nawawalang indibidwal ay gagawing libre ang DNA testing para sa missing persons.

Titiyakin namang mahigpit na ipatutupad ang confidentiality at Data Privacy sa mga impormasyon ng mga nawawalang indibidwal at kanilang kaanak.

Naniniwala si Baronda, na sa paggamit ng teknolohiya ay mas magiging epektibo ang paghahanap sa mga nawawalang indibidwal at mapapabilis ang pagbalik sa kanila sa kanilang mga pamilya.

“The ultimate goal of the act is to facilitate the swift reunification of missing individuals with their families, providing much-needed closure and relief to those affected. In conclusion, the National Missing Persons Database and DNA Testing Act is a crucial step toward addressing the challenges associated with any missing persons case.” saad sa explanatory note ng panukala. | ulat ni Kathleen Forbes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us