Patuloy na umaapela ang isang mambabatas na imbes na isulong ang PUV modernization program, ay ikonsidera ng gobyerno na maglaan ng pondo para sa rehabilitasyon ng mga traditional jeepney.
Ayon kay Gabriela Partylist Representative Arlene Brosas, kung patuloy na ipipilit ang PUV modernization, paulit-ulit lang ang transport strike ng iba’t ibang jeepney organizations dahil tutol sila sa naturang programa.
Punto ng mambabatas mas ‘cost effective’ ang rehabilitasyon ng tinatayang 63,000 public utility vehicles kumpara sa PUV modernization program.
Umaapela rin si Brosas kay Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na harapin at pakinggan ang mga lehitimong transport groups.
Sa hiwalay naman na panayam kay House Appropriation Committee Chair Elizaldy Co, sinabi nito na mayroong inilaang pondo para sa dagdag na subsidiya ng PUV Modernization sa ilalim ng 2024 General Appropriations Bill. | ulat ni Kathleen Jean Forbes