Pagpapaigting ng inspeksyon sa mga bus ngayong magpapasko, iniutos ng LTO

Facebook
Twitter
LinkedIn

Inatasan na ni Land Transportation Office (LTO) Chief Assistant Secretary Atty. Vigor D. Mendoza II ang lahat ng Regional Directors at District Office heads na paigtingin ang pag-iinspeksyon sa mga pampasaherong bus sa terminal lalo’t inaasahan ang bugso ng mga pasahero ngayong Christmas season.

Alinsunod ito sa direktiba ng Department of Transportation upang masiguro ang kaligtasan ng mga commuter at road users.

Ayon kay LTO Chief Mendoza, mahalaga ang masusing pag-iinspeksyon sa mga terminal upang matiyak na nasa maayos na kondisyon ang mga bibiyaheng bus at maiiwasan ang mga aksidente

“I am expecting a regular conduct of inspection on all passenger buses leaving their respective bus terminals. We have to do this because what is at stake is the life and limb of the passengers who just want to reach their destination safely,” Mendoza.

Bukod sa bus inspection, pinatitiyak din ni Mendoza ang maayos na mental at physical condition ng mga driver upang maiwasan ang mga insidente na nakakatulog ang ilang driver.

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us