Para kay Senador Sherwin Gatchalian, tama ang naging desisyon ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na palawigin hanggang December 2024 ang mababang taripa para sa bigas, mais at meat products.
Ayon kay Gatchalian, magiging pinakamalaking hamon sa buong mundo ang El Niño sa susunod na taon kaya sang-ayon siya sa naging hakbang ng pamahalaan.
Paliwanag ng senador, dahil sa El Niño ay malaki ang posibilidad na magbawas ng kanilang ini-export na mga produkto ang mga bansa para matiyak ang pagkakaroon nila ng seguridad sa pagkain.
Kaya naman sa pamamagitan aniya ng pinalawig na mababang import tariff ay magiging abot kaya pa rin ang presyo ng mga bilihin para sa mga pangkaraniwang Pilipino.
Kasabay nito ay sinabi ng senador na mahalaga na patuloy na mamuhunan ang gobyerno sa agrikultura sa pamamagitan ng modernisasyon at mechanization.
Giit ni Gatchalian, kapag malakas ang produksyon ng agricultural sector makatitiyak na sapat ang supply ng pagkain at mananatiling abot kaya ang presyo nito. | ulat ni Nimfa Asuncion