Ikinatuwa ng Department of Migrant Workers (DMW) ang ginawang pagpapatibay ng Senado sa International Labour Origanization (ILO) Convention 190.
Ito’y may kaugnayan sa pagbibigay ng mas ligtas na workspace para sa Overseas Filipino Workers (OFWs).
Ayon kay Migrant Workers Officer-In-Charge, Senior Undersecretary Hans Leo Cacdac, hudyat na ito na mailalayo na sa tiyak na peligro ang OFWs mula sa karahasan at pagmamaltrato sa kanila, saan man sila naroon.
Dahil dito, tiyak na maitataguyod ang integridad gayundin ang dignidad ng mga Pilipinong nagtatrabaho sa ibayong dagat.
Umaasa si Cacdac na sa pamamagitan nito, mapoprotektahan na rin ang mga OFW mula sa pang-aabuso at diskriminasyon habang sila’y nagtatrabaho sa ibayong dagat.
Kasunod nito, nagpasalamat si Cacdac kina Senate Foreign Relations Committee Chair Imee Marcos at Majority Leader Sen. Joel Villanueva dahil sa mabilis na pagpapatibay nito. | ulat ni Jaymark Dagala