Pagpirma ni PBBM sa ‘Trabaho Para sa Bayan Act’, makalilikha ng dagdag na trabaho — Sec. Larry gadon

Facebook
Twitter
LinkedIn

Kumpiyansa ang Presidential Adviser on Poverty Alleviation na madadagdagan pa ang mga may trabaho sa bansa ngayong napirmahan na ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang ‘Trabaho para sa Bayan Act’.

Ayon kay Sec. Larry Gadon, libu-libong trabaho ang malilikha ng batas dahil nakatuon ito sa paghikayat sa mga mamumuhunan na magtayo ng negosyo.

Sa ngayon, pumalo sa 95.8% ang employment rate ng bansa, pinakamataas sa nakalipas na 18 taon.

Kaya naman, umaapela siya sa Department of Environment and Natural Resources na tukuyin na ang mga paglabag ng mga reclamation project sa Manila Bay.

Ito ay para magkaroon ng maayos na pagdedesisyon ang Malacañang kung dapat na ba o hindi na alisin ang suspension project sa mga reclamation.

Suportado ni Gadon ang suspensyon sa naturang proyekto pero dapat daw linawin ng DENR kung ano ang mga paglabag.

Malaki ang paniniwala ng kalihim na makakaambag ng husto sa ekonomiya ng bansa ang reclamation project at job generation nito.

Sa panig naman ng mga negosyante, sinabi ni G. Sergio Ortiz ng Philippine Chamber of Commerce and Industry, panahon na para ituloy ang reclamation project sa Manila Bay dahil milyong trabaho ang maibibigay nito sa bansa. | ulat ni Michael Rogas

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us