Pinagtibay ng Kamara sa ikatlo at huling pagbasa ang House Bill 9292 kung saan isasama na rin ang personal financial literacy sa Technical-Vocational Education and Training (TVET) curriculum ng mga technical vocational institution (TVI) at Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) training centers.
Sa paraang ito ay mapapalakas ang financial literacy ng mga Pilipino.
Layon nito na bigyan ng sapat na kaalaman ang mga estudyante kung paano tamang gamitin ang kanilang pera, mag-ipon, maglatag ng contingency plan at ihanda sila sa iba pang pinansyal na obligasyon oras na magtrabaho.
Makikipag-ugnayan naman ang TESDA at tech-voc institutions sa Bangko Sentral ng Pilipinas, Department of Finance, Securities and Exchange Commission at Insurance Commission para sa mandatory na pagsasama ng Personal Financial Literacy Course (PFLC) sa TVET curriculum.
Kailangan makakuha ng pasadong marka sa PFLC ang isang estudyante para maka-graduate o matapos ang kursong kinukuha.
Kabilang sa mga ituturo ang konsepto ng personal finance; time value ng pera; consumer behavior; debt management and rehabilitation; Savings, emergency, and resilience fund development; Investment concepts and planning; Retirement planning; Insurance planning; Credit scoring and credit reports; Concept of financial education; at iba pa. | ulat ni Kathleen Forbes