Pinuri ng National Task Force to End the Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC) ang pagsang-ayon ng Mababang Kapulungan ng Kongreso sa Presidential Proclamation na nagkakaloob ng amnestiya sa mga miyembro ng rebeldeng grupo.
Ayon kay NTF-ELCAC Executive Director Undersecretary Ernesto Torres Jr. ang pag-adopt ng House Concurrent Resolution (HCR) 19, 20, 21, at 22, ay isang malaking hakbang tungo sa pambansang rekonsilyasyon at paghilom.
Ito aniya ay testamento sa commitment ng pamahalaan sa peace-building at nation-building.
Sinabi ni Torres na ang Amnesty Proclamation ng Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ay kahanay ng “holistic approach” ng NTF-ELCAC sa pagwawakas ng insurhensya sa bansa.
Umaasa naman si Usec. Torres na tatanggapin ng mga nalalabing miyembro ng kilusang komunista ang alok na amnestiya bilang pagkakataon para magbaba ng armas at magbagong-buhay na. | ulat ni Leo Sarne