Malugod na tinanggap ng National Security Council (NSC) ang resulta ng OCTA Research Survey kung saan sumang-ayon ang mayorya ng mga de-edad na Pilipino sa paraan ng pagtugon ng administrasyon ng Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa isyu sa West Philippine Sea (WPS).
Sa isang statement, sinabi ni National Security Adviser Secretary Eduardo Año na pinapahalagahan niya ang suporta ng mga mamamayan, batay sa resulta ng survey na nagpakita ng 15 porysentong pagtaas ng suporta ng publiko.
Kasabay nito, tiniyak ng kalihim na palaging isusulong ng NSC ang pambansang interes, at ipagtatanggol ang soberenya at teritoryo ng bansa sa lahat ng pagkakataon.
Sa 3rd Quarter “Tugon ng Masa” OCTA Research Survey na isinagawa mula September 30 hanggang October 4 ng taong kasalukuyan, 58 porsyento ng na-survey ang sumang-ayon sa paraan ng pagtugon ng kasalukuyang administrasyon sa alitan sa teritoryo sa West Philippine Sea sa pagitan ng China at Pilipinas. | ulat ni Leo Sarne