Pagsasabatas ng Caregivers’ Welfare Act, pinuri ng House Labor Panel Chair

Facebook
Twitter
LinkedIn

Ikinalugod ni House Committee on Labor and Employment Chair Fidel Nograles ang paglagda ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa batas na maglalatag ng karapatan at benepisyo ng domestic caregivers.

“With the signing of the Caregivers’ Welfare Act, our government signals that it is intent on protecting the rights and welfare of a sector that to this day suffers abuse and bad working conditions,” saad ni Nograles.

Sa ilalim ng bagong RA 11965 po-protektahan ang kapakanan ng mga caregiver sa bansa.

Bahagi nito ang pagtiyak na mayroong kontrata sa pagitan ng caregiver at employer bago magsimula ang pagtatrabaho.

Dapat ay nakasaad sa kontrata ang mga trabaho ng caregiver, oras ng pagtatrabaho, sahod, kaltas, overtime pay, rest day, leave, at iba pang mapagkakasunduan ng dalawang partido.

Sakop nito ang caregivers sa private homes, nursing o care facilities, at iba pang residential settings; na-hire sa pamamagitan ng direct employer; o sa Public Employment Services Office (PESO) o Private Employment Agency (PEA).

Umaasa naman si Nograles na sa pamamagitan nito ay mas pipiliin ng mga caregiver na dito na sa bansa magtrabaho kaysa abroad.

“Sinusubukan po natin na ayusin ang working environment para sa inyo, so that you will consider practicing here as a viable option at hindi lang stepping stone,” ani Nograles. | ulat ni Kathleen Jean Forbes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us