Pagsasabatas ng PPP Code of the Philippines, magreresulta ng dekalidad na infra projects — Diokno

Facebook
Twitter
LinkedIn

Welcome sa Department of Finance ang pagsasabatas ng Public Private Partnership o PPP Code of the Philippines.

Kahapon nilagdaan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang PPP Code o RA 11966 na naglalayong itatag ang mas stable at predictable environment ng kolaborasyon ng pribado at public sector.

Pinasalamatan ni Finance Sec. Benjamin Diokno si Pangulong Marcos Jr. sa agarang pagsasabatas ng hakbang.

Aniya, una pa lamang ay suportado ng kagawaran ang PPP code dahil magbibigay daan ito sa “high quality, impactful at bankable infrastructure projects” sa ilalim ng Build Better More Program ng Pangulo.

Sa ilalim kasi ng massive infrastructure program ng Marcos Jr. administration, prayoridad ng gobyerno ang 197 flagship projects na may katumbas na halaga na P8.7 trillion.

Sa ilalim ng PPP code ay ang pagpapatupad ng “best practices sa implementasyon ng Build-Operate Transfer Law upang masiguro ang dekalidad na infrastructure projects.

Diin ng DOF Chief, ang paglagda ng Pangulo sa bagong batas ay testamento ng commitment ng gobyerno tungo sa matatag na kolaborasyon sa pagitan ng public at private sector. | ulat ni Melany Valdoz-Reyes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us