Pagsusuot ng face mask sa mga pasilidad ng BuCor muling ginawang mandatory

Facebook
Twitter
LinkedIn

Muling ipinatupad ng Bureau of Corrections (BuCor) ang mandatory facemask policy sa mga pasilidad nito upang bigyang-pansin ngayong panahon ang kalusugan at kaligtasan ng mga tauhan at mga Persons Deprived of Liberty (PDL).

Ayon sa pamunuan ng BuCor, layunin nito na maiwasan ang mga kaso ng mga respiratory illness na mahalaga para sa kalusugan ng mga PDL, mga tauhan, at komunidad nito.

Kasama sa mga mandatory na magsuot ng facemask ay ang mga on-duty personnel, mga bisita ng mga PDL at mga counsel, mga papasok sa bucor buildings o sa mga kampo, at mga makikipagtransaksyon sa mga opisina ng BuCor.

Mahalagang paalala rin daw ayon sa BuCor na ang mga hakbang tulad ng mandatory na pagsusuot ng facemask ay mahalaga para sa malusog at ligtas na kapaligiran sa loob ng correctional system. | ulat ni EJ Lazaro

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us