Ramdam na sa mga pamilihihan sa Quezon City ang pagtaas ng presyo ng karneng baboy at manok ilang araw bago ang Pasko.
Sa Farmers Market sa Cubao, tumaas na ng P20 hanggang P30 ang presyo ng kada kilo ng meat products.
Paliwanag ng mga meat vendor, nagdagdag ng singil ang mga trader at supplier dahilan kaya tumaas din ang singil sa presyo ng karne.
Anila, asahan pa raw ang pagtaas pa ng presyo sa kada kilo ng manok at baboy sa mga susunod na araw. | ulat ni Rey Ferrer