Masasayang lang kung ipagpapatuloy pa rin ng Pilipinas ang pakikipag-usap at pakikipag-negosasyon sa China kaugnay pa rin sa isyu sa West Philippine Sea (WPS).
Para kay Camarines Sur Rep. LRay Villafuerte, kahit kasi mismong ang Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. at Chinese President Xi Jinping na ang nag-usap ay lalo lamang nagiging agresibo ang China.
Punto pa ng mambabatas na anomang diplomatikong negosasyon ay mababalewala dahil patuloy ang pang ‘ga-gaslight’ ng China sa UNCLOS at Arbitral Ruling na naipanalo ng Pilipinas noong 2016 na siyang nagbibigay ng lehitimong claim sa bansa sa ating maritime zone.
“There is no point for us to even think about the new proposal by Chinese Ambassador Huang Xilian for us to restart dialogue and consultation to settle our territorial differences…Beijing, the nonpareil gaslighter, has no place in any negotiating table to discuss the WPS issue as it persists on bullying us and harassing our vessels and fisherfolk on the absurd excuse that the Philippines is the one guilty of ‘infringement and provocation’ in intruding into South China Sea (SCS) islands and adjacent waters that belong to China, hence ostensibly giving them the legal right to protect their supposed sovereign rights,” sabi ni Villafuerte.
Ayon sa Department of Foreign Affairs (DFA), umabot na sa 130 diplomatic protest ang naihain ng pamahalaan laban sa China sa ilalim ng administrasyong Marcos. | ulat ni Kathleen Jean Forbes