Pamamahagi ng cash assistance sa mga pamilya na nasiraan ng bahay sa lindol sa Surigao del Sur, inumpisahan na ng DSWD

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nagsimula na ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa pamamahagi ng tulong pinansyal sa mga pamilya sa Surigao del Sur na nawasak ang bahay dahil sa malakas na lindol.

Mismong si Secretary Rex Gatchalian, kasama si Surigao del Sur Governor Alexander Pimentel ang namahagi ng cash assistance sa provincial capitol.

Ginawa ito ng DSWD sa ilalim ng Assistance to Individuals in Crisis Situation (AICS).

Present din sa ceremonial distribution ng cash assistance sina Tandag City Mayor Roxanne Pimentel, Undersecretary for Disaster Response and Management Group Diana Rose Cajipe, at DSWD-Caraga Regional Director Mari-Flor Dollaga-Libang.

Una nang tiniyak ni Secretary Gatchalian, na mabibigyan ng tulong ang local government units na napinsala ng lindol.

Ito’y alinsunod sa utos ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na tuloy-tuloy na mabigyan ng tulong ang mga pamilya sa Mindanao na naapektuhan ng magnitude 7.4 earthquake. | ulat ni Rey Ferrer

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us