Pamamahagi ng learning materials para sa mga mag-aaral, nagpatuloy na — DepEd

Facebook
Twitter
LinkedIn

Inanunsyo ng Department of Education o DepEd na nagpatuloy na ang pamamahagi ng learning materials para sa mga mag-aaral.

Ito’y matapos ihain sa Kamara ang isang resolusyon para imbetigahan ang umano’y hindi nabayarang warehouse fees ng DepEd sa Transpac Cargo Logistics na siyang kinumisyon para maghatid nito.

Sa isang pahayag, sinabi ng DepEd na naresolba na nila ang usapin ng bayarin sa Transpac at agad na nitong inilabas sa kanilang warehouse ang mga learning material.

inaasahang maihahatid naman na ang mga naturang learning material sa mga pampublikong paaralan sa susunod na mga linggo.

Dahil dito, tiniyak ng kagawaran ang kanilang pangako na protektahan ang interes ng mga mag-aaral at susuklian nila ito ng de kalidad na serbisyo na nararapat lamang para sa kanila. | ulat ni Jaymark Dagala

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us