Inanunsyo ng Department of Education (DepEd) na nagpatuloy na ang pamamahagi ng mga learning materials para sa mga mag-aaral.
Ito’y matapos ihain sa Kamara ang isang resolusyon para imbestigahan ang umano’y hindi nabayarang warehouse fees ng DepEd sa Transpac Cargo Logistics na siyang kinumisyon para maghatid nito.
Sa isang pahayag, sinabi ng DepEd na naresolba na nila ang usapin ng bayarin sa Transpac at agad na nitong inilabas sa kanilang warehouse ang mga learning material.
Inaasahang maihahatid naman na ang mga naturang learning material sa mga pampublikong paaralan sa susunod na mga linggo.
Dahil dito, tiniyak ng Kagawaran ang kanilang pangako na protektahan ang interes ng mga mag-aaral at susuklian nila ito ng dekalidad na serbisyo na nararapat lamang para sa kanila. | ulat ni Jaymark Dagala