Naghatid ng “Pamaskong Handog” ngayong araw si Senator Imee Marcos sa 500 Child Development Learners sa Lungsod ng San Carlos, Pangasinan na ginanap sa Don Federico Mandapat Sports Dome.
Masaya at mainit na sinalubong ng Child Development Workers, Learners at Parents ang senator na naghatid ng munting regalo sa mga ito.
Nagbigay rin ng suporta sa programang ito ang Lokal na Pamahalaan ng San Carlos sa pamamahagi ng regalo kasama ang iba pang lokal na opisyal sa Lungsod.
Lubos naman ang pasasalamat hindi lamang ng City Government kung hindi higit ng mga benepisyaryong nakatanggap ng maagang pamaskong regalo. | ulat ni Sarah Cayabyab-RP1 Dagupan
📷 LGU San Carlos City