Pambobomba sa Mindanao State University, isang banta sa rehabilitasyon at pagbangon sa Marawi

Facebook
Twitter
LinkedIn

Isang banta sa prinsipyo ng kapayapaan at pagkakaisa ang nangyaring pag-atake sa Mindanao State University (MSU).

Ito ang tinuran ni Davao Oriental 2nd District Representative Cheeno Almario, kasabay ng pagkondena sa insidente.

Aniya, sinira lamang nito ang malaking pag-usad ng lungsod pagdating sa rehabilitasyon, recovery at reconstruction matapos ang Marawi Siege.

Aniya, dapat ay natapos na ang gulo sa lungsod nang matapos din ang giyera sa pagitan ng pamahalaan at Islamic State-linked Maute Group militants noong 2017.

Hiling naman ni Almario sa mga otoridad, ang mabilis at malalimang imbestigasyon sa insidente.

Panawagan pa ng mambabatas sa mga residente, na magkaisa at suportahan ang bawat isa at huwag padadala sa takot.

“We call upon authorities to conduct a thorough and swift investigation to bring those responsible for this act to justice. In these trying times, it is crucial for the community to come together, support one another, and stand resilient against such acts of terror.” ani Almario | ulat ni Kathleen Forbes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us