Pamomomba sa MSU gymnasium sa Marawi City, mariing kinondena ng alkalde ng Ipil, Zamboanga Sibugay

Facebook
Twitter
LinkedIn

Mariing kinondena ni Ipil Mayor Anamel Olegario ang nangyaring pamomomba sa Dimaporo Gymnasium sa Mindanao State University (MSU), Marawi City kahapon ng umaga, na nagresulta sa walang saysay na pagkasawi at pagkasugat ng mga inosenteng biktima.

Ayon kay Mayor Olegario, ang akto ng terorismo ay walang lugar sa sibilisadong lipunan, lalo na sa komunidad na nagpapagaling pa mula sa bangungot ng pagkubkob ng mga terorista noong 2017.

Ipinaabot din ng alkalde ang kanyang pakikiramay sa mga pamilya ng mga nasawing biktima ng karumal-dumal na krimen.

Umaasa si Mayor Olegario na mabigyan ng hustisya ang mga biktima bunsod ng nagpapatuloy na aksyon ng administrasyon at ng mga awtoridad para sa ikadarakip ng mga salarin at utak ng krimen.

Hangad pa rin ni Olegario ang tunay na pagkakaisa at ang pangmataggalang kapayapaan sa Mindanao, lalo na sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM).| ulat ni Lesty Cubol| RP1 Zamboanga Sibugay

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us