Inanunsiyo ng Secretariat for the Commemorative Summit for the 50th year of ASEAN- Japan Friendship and Cooperation ang gagawing Tokyo Tower Lighting up bukas, Disyembre 17.
Mababalutan ang Pamosong Tokyo Tower ng mga ilaw na kulay pula, dilaw at asul na pawang kulay na bumubuo sa bandila ng ASEAN.
Ang hakbang ayon sa Secretariat for the Commemorative Summit ay bilang bahagi na din ng pagdiriwang ng 50th year of ASEAN- Japan Friendship and Cooperation at bilang tribute na din sa mga dadalong ASEAN Leaders.
Ang Tokyo Tower ay Isang communication at observation tower na matatagpuan sa Shiba-koen district ng Minato, Tokyo, Japan at naitatag nuong 1958.
Ang 332.9 meters na istruktura ay itinuturing na second-tallest structure sa Japan. | ulat ni Alvin Baltazar