Pangalan ng ilang smuggler, binigay ni Pang. Marcos Jr. kay DA Sec. Laurel

Facebook
Twitter
LinkedIn

Pinahayag ni Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel na pinangalanan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang ilan sa mga pinaghihinalaang agricultural smugglers.

Sa naging pagdinig ng Commission on Appopintments (CA) panel ngayong araw, sinabi ni Tiu na hawak na nila ang mga pangalang ito at plano ng Department of Agriculture (DA) na aksyunan ito sa first quarter ng susunod na taon.

Dinagdag rin ni Laurel na mayroong bagong intelligence at enforcement unit ang DA na siyang nagbeberipika ng lahat ng impormasyon.

Kinumpirma rin ng kalihim na sasampahan nila ng kaso ang mga indibidwal na mapapatunayang sangkot sa smuggling.

Giniit naman ni Senadora Grace Poe na dapat may masampolan nang smuggler sa bansa para masabing totoong may ngipin ang ating batas.| ulat ni Nimfa Asuncion

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us