COVID-19 recovered na si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.
Sa ika-limang araw ng kanyang home isolation, napag-alamang wala nang ubo, sipon, at lagnat sa loob ng mahigit 24 oras ang Punong Ehekutibo.
Sa buong panahon na naka- isolate ang Presidente ay masusing nakabantay sa kanya ang kanyang mga doktor.
Kaugnay nito ay pinayuhan naman ng kanyang mga mangagamot ang Pangulo na manatiling magsuot ng face mask sa loob ng 10 araw lalo na sa mga pampublikong pagtitipon bilang bahagi na rin ng pag-iingat.
Magtatapos bukas ang limang araw na isolation period ni Pangulong Marcos Jr. kasunod ng pagkakapositibo sa COVID 19 sa ikatlong pagkakataon. | ulat ni Alvin Baltazar