Ilalahad ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa ASEAN-Japan Summit ang mga ginagawang hakbang ng Pilipinas na may kinalaman sa unti – unting pagpapalakas sa paggamit nito ng clean energy.
Ayon sa Chief Executive, iha-highlight ng Pilipinas ang karanasan nito sa pagtataguyod sa clean energy projects gaya ng kauna-unahang wind farms sa Southeast Asia nuong 2003 kung kailan ay gobernador siya ng Ilocos Norte.
Gagamitin din aniya ng Pangulo ang pagkakataon na maanyayahan ang Asia Zero Emission Community o AZEC partners na mamuhunan sa bansa partikular na sa Renewable Energy Industry.
Ito’y hindi lamang upang maabot ang minimithing intensiyon ng Asia Zero Emission Community kundi makamit ang pangkalahatang target ng Paris Agreement.
Sinabi ng Chief Executive na titiyakin ng kanyang administrasyon na ang engagement ng bansa sa ASEAN ay magtutuloy- tuloy alang alang sa national interest. | ulat ni Alvin Baltazar