Asahan na ang dagdag na tinatanggap na buwanang gratuity pay ng mga medal of valor awardee na mga kawal ng Armed Forces of the Philippines (AFP).
Kasunod ito ng naging anunsiyo ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. para sa increase ng monthly gratuity ng mga sundalong kasama sa roster na nagawaran ng medal of valor award.
Ang pag-apruba ayon sa Commander in Chief ay kasunod na rin ng rekomendasyon ng Department of National Defense.
Ganunpaman, hindi nabanggit ng Chief Executive kung magkano ang madadagdag sa gratuity pay ng mga medal of valor awardee na sa kasalukuyan ay nasa P20,000 kada buwan.
Ang medal of valor award ay iginagawad sa mga sundalong nagpamalas ng katapangan at self-sacrifice sa panahon ng kanilang pagtupad sa tungkulin. | ulat ni Alvin Baltazar