Gamitin ng tama ang pondo.
Ito ang paalala ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa iba’t ibang ahensiya ng gobyerno kasunod ng ginawa nitong paglagda sa pambansang pondo para sa 2024.
Sa budget message ng Pangulo, sinabi nitong maiging magamit ng maayos ang budget at maiwasan ang under o overspending.
Dagdag ng Chief Executive, na ang pagkaantala sa implementasyon ng mga programa at proyekto ay pagkakait sa taong bayan ng kaunlaran at progreso na dapat lang maipagkaloob sa mamamayan.
Sa gitna ng paalalang ito mula sa Punong Ehekutibo ay kaakibat ang aniya’y dapat na lalong mas maunawaan ng mga nasa gobyerno, na ang paglilingkod nilang ginagawa ay hindi para sa kanilang sarili kung hindi para sa mga tao at para sa bayan. | ulat ni Alvin Baltazar