Kinilala ng Kamara ang matagumpay na resulta ng pagbisita ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa Japan nitong unang bahagi ng Taon.
Ito’y matapos ianunsyo ng Department of trade and Industry na umabot na sa 22 percent o kabuuang P170 billion na halaga ng pledged investment ang naisakatuparan mula sa biyahe ng Pangulo noong Pebrero sa Japan.
Ayon kay Speaker Martin Romualdez, hindi lang ito basta mga numero bagkus ay katuparan ng mga pangarap at oportunidad para sa mas magandang buhay ng mga Pilipino.
Ang naturang actualized investments ay nagresulta naman sa may 9,700 na trabaho.
“We are witnessing the fruits of President Marcos Jr.’s strategic international engagements…These varied investments reflect our nation’s growing attractiveness as a global investment destination, capable of meeting the needs of diverse industries. They also align with our commitment to sustainable development and environmental stewardship.” sabi ni Speaker Romualdez
Ilan sa mga key investment na ito ay ang P4.4 billion initiative ng Murata Manufacturing na nagbukas ng 3,500 na trabaho at $1.2 billion exports; groundbreaking ng P7-billion Hotel 101 project katuwang ang Niseko at DoubleDragon Corp.; Tamiya Corp. factory sa Cebu; renewable energy commitments fmula sa Renova Inc., at MinebeaMitsumi Inc. | ulat ni Kathleen Forbes