Pangulong Marcos, nasa Japan na upang dumalo sa ASEAN-Japan Commemorative Summit

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nakarating na sa Japan si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.  para sa gagawin nitong partisipasyon  sa ASEAN-Japan Commemorative Summit.

Lumapag sa  Haneda International Airport  ang PAL flight 001  bandang 6:13 ng gabi sa oras sa Pilipinas o 7:13 Naman ng gabi sa Japan.

Bukod kay First Lady Liza Araneta- Marcos,   kasama rin sa delegasyon ng Pangulo sa biyaheng Japan sina House Speaker Martin Romualdez, DFA secretary Enrique Manalo, DTI Secretary Alfredo Pascual at PCO Secretary Cheloy Garafil.

Bukas magsisimula ang aktibidad ng Chief Executive na bukod sa inaasahang 

bilateral meeting kay Japanese Prime Minister Fumio Kishida ay dadalo din ang delegasyon ng Pangulo sa dinner na inihanda ng Punong Ministro ng Japan.

Gagawin ito sa State Guest House o sa  Akasaka Palace. | ulat ni Alvin Baltazar 

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us