Nakatakdang dumating sa Pilipinas ang ika-14 na batch ng mga overseas Filipino worker (OFW) na lumikas sa Israel dahil sa nagpapatuloy na kaguluhan sa naturang bansa.
Ayon sa Department of Migrant Workers, inaasahang lalapag sa bansa ang Philippine Airlines flight PR737 sa Ninoy Aquino International Airport Terminal 1 mamayang alas-11:15 ng gabi.
Sakay nito ang 21 OFWs na lahat ay mga caregiver.
Sa pagdating ng naturang batch mamayang gabi, aabot na sa 435 na mga OFW ang umuwi sa bansa mula sa Israel.
Inaasahan naman madaragdan pa ang bilang na ito dahil sa nagpapatuloy na kaguluhan sa nasabing bansa. | ulat ni Diane Lear