Sa tingin ni Senador JV Ejercito, posibleng pinopondohan ng China ang paninira laban sa administrasyon ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.
Ayon kay Ejercito, maaaring dahil sa nangyayaring panggigipit ng China sa tropa ng Pilipinas sa West Philippine Sea (WPS) ay nililipat ng China ang atensyon at usapin sa pamamagitan ng paninira sa administrasyon.
Ito ay sa gitna ng mga pag-atake o pamba-bash ng mga Pilipinong pinaniniwalaang pro-China sa social media.
Kaugnay nito, apela ng senador sa mga taong aniya’y pro-china, isipin naman ang Pilipinas.
Binigyang diin ni Ejercito na hindi uunlad at uusad ang ating bansa kung hindi tayo magkakaisa.
Samantala, nanawagan rin ang mambabatas ng ceasefire muna mula sa mga political bickerings o mga bangayan sa pulitika.
Giit ni Ejercito, nakakalungkot ang nangyayaring maagang bangayan ng ilang pulitiko gayong marami pang problema ang bansa na dapat harapin at kailagang lutasin ng gobyerno.| ulat n Nimfa Asuncion