Inihain ni OFW Party-list Representative Marissa “Del Mar” Magsino ang House Bill 9771 o ‘Anti-Cyberbullying Against Children Act’.
Layon ng panukala na tugunan ang tumataas na kaso ng cyberbullying lalo na sa mga kabataan.
Punto ng mambabatas, na kailangan na ng lehislasyon para masolusyunan ang hate speech at protektahan ang mga kabataan mula sa epekto ng cyberbullying na kadalasan ay nauuwi pa sa depression, low self-esteem, behavioral issues, at problema sa academics.
“Bullying, in general, can have physical and psychological effects on our children. However, cyberbullying may be particularly damaging because unlike traditional bullying — which is often limited to schools and known bullies — cyberbullying can occur at any time and be perpetrated by anonymous sources. This makes it more relentless, and often more ruthless, as well as difficult to complain about, especially for children.” sabi ni Magsino
Nilalatag sa panukala ang mga pamamaraan ng bullying na papatawan ng parusa gaya ng pagkakalat ng kasinungalingan, paninira, impersonation, at iba pang nakakasira sa psychological well-being ng bata.
Kabilang sa panukalang parusa ang kulong o multa depende sa desisyon ng korte. | ulat ni Kathleen Forbes