Panukalang Magna Carta of Filipino Seafarers, aprubado na sa Bicameral Conference Committee

Facebook
Twitter
LinkedIn

Lusot na sa Bicameral Conference Committee ang reconciled version ng Senado at Kamara sa panukalang Magna Carta of Filipino Seafarers Law.

Layon ng panukala na ma-institutionalize ang pagbibigay proteksyon sa karapatan ng mga Pinoy seafarers at tiyakin sa international community na susunod ang Pilipinas sa mga obligasyon na itinatakda ng mga international conventions para sa lahat ng mga seafarers.

Sa ilalim ng panukala, magtatalaga ng DOH-accredited physician na tutukoy sa angkop na disability grading; matatakda ng maikling panahon para sa validation at pagbabayad ng claims ng mga seafarers; at magtatatag ng lugar o ‘tambayan’ na may kumpletong serbisyo tulad ng libreng tulong legal.

Tinutugunan din nito ang isyu ng kawalan ng shipboard training para sa mga maritime graduates para masiguro na nakasusunod ang bansa sa standards ng European Maritime Safety Agency (EMSA).

Sa panig ng Senado ay pinangunahan ni Senate Committee on Migrant Workers Chairman Senador Raffy Tulfo ang Bicam panel kasama sina Senate Majority Floor Leader Joel Villanueva, Senador Chiz Escudero, Senador Risa Hontiveros, at Senador Imee Marcos. | ulat ni Nimfa Mae Asuncion

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us