Panukalang Maritime Zones Act, malaki ang tyansang maipasa sa Enero — Sen. Tolentino

Facebook
Twitter
LinkedIn

Kumpiyansa si Senador Francis Tolentino na maipapasa na Enero ng susunod na taon o sa January 2024 ang panukalang Maritine Zones Act.

Ito ang panukalang tutukoy sa mga hangganan ng bahagi ng teritoryo ng Pilipinas, kabilang ang mga bahagi ng dagat na sakop ng Exclusive Economic Zone ng ating bansa.

Ayon sa senador, chairman ng Senate Special Committee on Maritime and Admiralty Zones, may sapat na suporta mula sa mga kapwa niya mambabatas sa Senado at Kamara ang naturang panukala.

Binigyang-diin ni Tolentino na sakaling maging ganap na batas ay magbibigay-daan ito para ganap na maipatupad ng ating bansa ang ating mga maritime laws at maramdaman ng husto ang ating karapatan sa ating teritoryo.

Dinagdag rin ng senador na sa tulong rin nito ay kikilalanin ng mga karatig-bansa natin ang mga bahagi ng teritoryo ng Pilipinas.

Kung hindi man ay dagdag-sandata naman aniya ito sa pakikipag-usap sa iba’t ibang bansa kung saan ang boundary ng Pilipinas.

Sinabi rin ni Tolentino na sakaling maisabatas ay isusumite ang Maritime Zones Act ng Pilipinas sa United Nations, United Nations Convention on the Law of the Sea (UNCLOS) Secretariat, at sa International Maritime Organization. | ulat ni Nimfa Mae Asuncion

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us