Party-list solon na isa sa mga nabigyan ng amnestiya ng pamahalaan, binigyang-diin ang kahalagahang suportahan ang peace agreement na itinutulak ng gobyerno

Facebook
Twitter
LinkedIn

Higit pa sa isang pirasong dokumento.

Ganito inilarawan ni Abang Lingkod Party-list Representative Joseph Stephen Paduano ang peace agreement ng pamahalaan kasama ang mga rebeldeng grupo.

Sa pagtalakay ng Kamara sa apat na resolusyong sumasang-ayon sa amnesty proclamation ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., pinaalalahanan ni Paduano ang mga grupo at indibidwal na tumututol sa amnestiya na matagal na itong ibinibigay ng pamahalaan mula pa noong panahon ni dating Pangulong Corazon Aquino.

Katunayan, siya mismo ay produkto ng amnesty program at peace agreement bilang dating miyembro ng RPMP-RPA-ABB.

Ani paduano ang mga kasunduang ito ang rurok ng commitment ng Philippine government na dapat ay suportahan nila bilang mga opisyal.

Tinukoy pa nito na ang amnesty program ng kasalukuyang administrasyon ay pagapapatuloy lang ng programa ng Duterte administration, lalo at isang taon lang ang naging application period noon.

“This is not an effort by President Bongbong Marcos this is an effort made by the former President no, other than President Duterte, and the father of the Vice President now. This is the commitment of all presidents since the time of Pesident Cory Aquino,” diin ni Paduano. | ulat ni Kathleen Jean Forbes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us