Naghayag na ng kahandaan ang Pasig City General Hospital sa pagsalubong sa bagong taon.
Sa isinagawang inspection ni Department of Health (DOH) Usec. Enrique Tayag, ipinakita sa kanya ng pamunuan ng ospital ang kahandaan nito sa pagtanggap ng mga pasyente na magiging biktima ng paputok.
Kumpara sa 10 kaso ng firecracker-related incident na naitala noong nakalipas na taon, dalawang kaso pa lamang ang kanilang natatanggap ngayon.
Nangunguna pa rin ng sanhi ng insidente ang boga,pangalawa ang 5 star at pangatlo ang kwitis.
Sinabi ni Usec. Tayag, seryuso ang DOH sa kampanya laban sa paggamit ng mga paputok.
Umaasa ang DOH na hindi na madagdagan pa ang bilang ng firecracker related injuries sa pagsalubong sa taong 2024. | ulat ni Rey Ferrer