Nanindigan si Albay Rep. Edcel Lagman na hindi dapat isuko o ikompromiso ang patrimonya ng bansa sa isinusulong na economic charter change.
Ayon sa independent minority solon, hindi aniya dapat basta na lang buksan o i-liberalize ang foreign equity at pagmamay-ari sa mga sensitibong korporasyon at sektor.
Tinukoy pa nito na batay sa Organization for Economic Cooperation and Development (OECD), hindi kailangan amyendahan ang “nationalistic constitutional provisions” para lang makahikayat ng pagpasok ng foreign direct investments.
Mas lalo din ani Lagman na hindi na dapat isali pa ang extension ng term limits ng executive at legislative elected officials dahil makailang ulit na itong hindi pinaboran ng mga Pilipino. | ulat ni Kathleen Jean Forbes