Payout para sa may 700k na reinstated 4Ps beneficiaries, pinatitiyak na mailalabas bago mag-Pasko

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nanawagan si House Committee on Poverty Alleviation Chair at 1 PACMAN party-list Rep. Michael Romero sa DSWD AT LandBank na tuparin ang pangako na maibigay ang financial assistance sa may 700,000 reinstated familily benefiaries ng 4Ps program bago mag-Pasko.

Aniya, mismong LandBank ang nagsabi na aabutin lang ng 3 araw para mai-deposit ang pondo sa mga ATM account ng 4Ps beneficiaries kaya’t dapat bago mag-Pasko ay matanggap na nila ito.

Matatandaan na nagsagawa ng re-assessment ang DSWD sa mga benepisyaryo ng program na una nang inalis sa listahan.

Matapos nito ay nagdesisyon ang ahensya na ibalik muli ang nasa 700,000 sa kanila dahil sa nananatiling nasa indigent status.

Kaya naman ngayon pa lang nila matatanggap ang benepisyo na dapat ay nakuha nila noong panahong naalis sila sa listahan at isinailalim sa re-evaluation.

“While 3.2 million households have consistently received their cash grants, the more than 700,000 delisted families were denied the same benefits after being evaluated by the DSWD as “non-poor,” among other reasons,” sabi ni Romero.

Ani Romero ito na ang pinakamagandang pamasko ng DSWD sa mga benepisyaryo ng 4Ps. | ulat ni Kathleen Jean Forbes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us