PBBM, hinihikayat ang mga Pilipino na pairalin ang pagiging mapagbigay at kabutihang loob ngayong Feast of the Immaculate Concepcion

Facebook
Twitter
LinkedIn

Hinihikayat ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang mga Pilipino na gawing inspirasyon ang Immaculate Conception sa pagharap sa mga hamon kasabay ng pagpapatibay ng kanilang paniniwala, sa pamamagitan ng pagbabahagi ng biyaya sa mga mas nangangailangan.

“During these challenging times for our country, let us draw inspiration from the narrative of the Immaculate Conception as we overcome our limitations and draw on our strengths to see the world with grateful hearts and explore the deep meaning of our purpose in life.” — Pangulong Marcos Jr.

Sa mensahe ng Pangulo para sa Feast of the Immaculate Conception of Mary, umaasa ang Pangulo na magpamalas sana ng pagiging mapagbigay at kabutihang loob ang bawat Pilipino lalo na para sa marginalized sector.

Sa mga ganitong panahon aniya, mas kailangan ng bawat isa na makita o tingnan ang mundo nang mayroong pagtanaw ng utang na loob, habang hinahanap ang tunay na kahulugan at misyon ng buhay na ipinagkaloob sa bawat isa.

“May this auspicious occasion allow us to fortify our Christian faith and inspire our fellow faithful to share our blessings to the poor and marginalized as a way of perpetuating peace, generosity, and kindness around us.” — Pangulong Marcos Jr.

Kasabay nito, umaapela rin ng panalangin ang Pangulo para magabayan ang bansa habang inaabot nito ang isang Bagong Pilipinas. | ulat ni Racquel Bayan

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us