Siniguro ng Department of Transportation (DOTr) sa pangunguna ni DOTr Secretary Jaime Bautista ang pagtutok ng Philippine Coast Guard (PCG) sa kaligtasan at komportableng paglalakbay ng mga biyahero ngayong holiday season.
Sa kanyang inspeksyon sa PCG headquarters, ipinaalala ni Secretary Bautista na simula Disyembre 15, magiging mas pinaigting ang presensya ng PCG sa 15 na distrito sa buong bansa hanggang Enero 8 ng susunod na taon. Layunin nito ang “zero maritime incidents” na kritikal na yugto na ito.
Binigyang utos din ni Secretary Bautista ang PCG na magpatupad ng mas mahigpit na inspeksyon bago maglayag ang mga sasakyang pandagat, 24/7 K9 paneling sa paligid ng pantalan, karagdagang sea marshal deployment, at mas malawakang coastal security patrols.
Nakaalerto rin ang lahat ng sasakyang pandagat at air assets ng Coast guard para sa agarang pagtugon sa anumang mga pangangailangan.| ulat ni EJ Lazaro