Opisyal nang inilunsad ng Philippine Drug Enforcement Agency ang “Regulatory Compliance System”.
Ito ay isang online platform na nag-aalok ng contactless at paperless transactions na makakapaghatid ng mabilis na serbisyo sa mga aplikante at kliyente ng PDEA.
Ayon kay PDEA Director General Moro Virgilio Lazo, bukod sa licenses at permits applications, ang iba pang serbisyo ng RCS ay ang pagsusumite ng semi-annual reports, iba’t ibang notification at attachment ng supporting documents at viewable at email notification ng status ng transaksyon sa lahat ng kliyente.
Pinapadali din ng system ang electronics payments at online printing certificates.
Mula 2008, gumagamit ang PDEA Compliance Service ng automated manual processing system na tinatawag na PDEA Permits and Licensing System (PPLS).
Isa itong LAN-based system na ginagamit sa pagproseso ng license at permit applications. | ulat ni Rey Ferrer