Pinangunahan ni Armed Forces of the Philippines (AFP) Chief of Staff Gen. Romeo Brawner Jr. ang pagkilala sa mga natatanging “peace partners” ng militar sa pamamagitan ng “Pagkakaisa Awarding Ceremony” kahapon ng umaga sa AFP General Headquarters sa Camp Aguinaldo.
Ang paggawad ng “Pagkakaisa Award” ay bahagi ng mga aktibidad sa pagdiriwang ng ika-88 anibersaryo ng AFP.
Ang mga pinarangalan ay pinili base sa kanilang naging kontribusyon sa “Pagkakaisa Campaign”, partikular ang kanilang direktang tulong sa pagkamit ng mga layunin ng AFP, suporta sa AFP modernization program, pagiging makabayan, at aktibong pakikilahok sa humanitarian development initiatives.
Kabilang sa mga pinarangalan sina: International Committee of the Red Cross Delegation in the Philippines Head Johannes Bruwer; Basilan Governor Hadjiman S Haraman Salliman; San Fernando City, La Union Mayor Hermenegildo Gualberto; Tarlac State University Board of Regents Ms Myrna Mallari; at dating Pangulo ng Defense Press Corps Verlin Ruiz. | ulat ni Leo Sarne
📷: TSg Obinque/PAOAFP