Pinangunahan ni Department of National Defense (DND) Secretary Gilbert Teodoro ang graduation ceremony ng 141 miyembro ng Philippine Air Force (PAF) Officer Candidate Course “BAGSIK-LAWIN” Class 2023 sa Camp Aguinaldo kahapon.
Sa kanyang mensahe, pinuri ni Sec. Teodoro ang 141 bagong-komisyon na 2ng Lieutenant sa kanilang dedikasyon, at binigyang-diin ang kanilang malaking papel sa pagtataguyod ng soberenya ng bansa.
Hinamon naman ni PAF Commanding General Lieutenant General Stephen Pareño ang mga bagong opisyal na maging haligi ng Philippine Air Force.
Ang graduation ceremony ay dinaluhan din Armed Forces of the Philippines (AFP) Chief of Staff General Romeo Brawner Jr., at Air Education, Training and Doctrine Commander Major General Aristotle Gonzales. | ulat ni Leo Sarne
📸: PAF