Philippine Army, may 288 bagong tinyente

Facebook
Twitter
LinkedIn

Pinangunahan ni Philippine Army Chief Lieutenant General Roy Galido ang “reception” para sa 288 bagong-graduate na miyembro ng Officer Candidate Course “Talahiraya” Class 59-2023 sa Officer Candidate School sa Camp O’Donnell, Capas, Tarlac nitong Miyerkules.

Sa kanyang mensahe, binigyan ni Lt. Gen. Galido ang mga magiging bagong platoon leader ng professional at career advice.

Binilinan ng heneral ang mga batang tinyente na ipakita ang kanilang pagiging tunay pinununo sa pamamagitan ng pagsabay sa pagkayod ng kanilang mga tauhan sa “field”.

Sa naturang pagtitipon, personal ding iniaabot ni Lt. Gen. Galido ang individual clothing and initial equipment (ICIE), Glock pistol, at pay and allowance sa mga miyembro ng graduating class. | ulat ni Leo Sarne

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us