Patuloy na pinalalakas ng Pilipinas ang ugnayan nito at ang depensa ng bansa sa karagatan kasama ang iba pang bansa sa isinagawang Land Forces Summit (LFS) sa Tokyo, Japan.
Sa nasabing summit, nakilahok ang Commandant ng Philippine Marine Corps sa pangunguna ni Maj. Gen. Arturo Rojas kasama ang mga army mula sa Estados Unidos, Australia, at ang Japan Ground Self Defense Force.
Dito kanilang ipinahayag ang kanilang pagtutulungan at pagpapatibay ng seguridad sa lugar kasama ang kaligtasan at maunlad na kinabukasan sa rehiyon.
Sa susunod na taon, kapwa namang sumang-ayon ang Philippine Marine Corps at Philippine Navy na makilahok bilang tagapamasid sa gaganaping JPN-US-AUS Joint Command Post Exercise na tinatawag na Yama Sakura. | ulat ni EJ Lazaro