Nagpaalala ang Philippine Red Cross (PRC) sa publiko kaugnay sa ligtas na pagdiriwang ng holiday season ngayong mayroon pa ring banta ng COVID-19.
Ayon sa PRC, kabi-kabilaan ang mga pagtitipon at selebrasyon ngunit huwag maging kampante dahil hindi pa rin nawawala ang COVID-19.
Kaugnay nito ay nagbigay ng anim na safety tips ang PRC upang makaiwas sa sakit ngayong holiday season.
Kabilang dito ang:
- Magpa-booster shot laban sa COVID-19.
- Magsuot ng facemask lalo na kung imposible ang physical distancing.
- Hangga’t maaari ay panatilihin ang isang metro physical distance sa ibang tao.
- Takpan ang bibig kapag uubo
- Panatilihing malinis ang kamay at
- Magkita na lamang sa labas o ‘di kaya ay siguruhin na may maayos ang ventilation sa lugar na pupuntahan. | ulat ni Diane Lear