Ipinakita ng Pilipinas at ng bansang India ang matatag na ugnayan nito matapos magsagawa ng isang Maritime Partnership Exercise (MPX) ang mga sasakyang pandagat nito sa West Philippine Sea.
Layunin ng MPX na palakasin pa ang maritime cooperation ng Pilipinas at India at pag-promote ng mga pamamaraan pagdating sa rules-based order. Kung saan magkasamang naglayag ang barkong BRP Ramon Alcaraz ng Pilipinas at INS Kadmatt ng India.
Nito lamang Martes, dumaong sa Port of Manila ang INS Kadmatt Indian Navy, isang uri ng anti-submarine corvette na gawang India na kargado ng mga missiles, torpedo, at iba pang mga teknolohiya.
Sa isinagawa ring operational turnaround, ibinahagi ni Indian Ambassador Shambhu Kumaran, ang suporta nito sa bansa sa gitna ng tensyong nangyayari sa West Philippine Sea at ang pagsunod sa United Nations Convention on the Law of the Sea (UNCLOS). | ulat ni EJ Lazaro