Mula sa pangunguna ni Office of Civil Defense (OCD) Administrator Undersecretary Ariel Nepomuceno, naging matagumpay ang isinagawang delegasyon ng Pilipinas sa kanilang pagbisita sa Japan.
Lumahok ang ilang opisyal ng ahensya sa Disaster Risk Reduction and Management – Capacity Enhancement Project Phase II (DDRM-CEP II) ng Japan International Cooperation Agency (JICA), na ginanap sa Tokyo, Japan.
Ilan sa mga tinalakay ay ang mga wastong pagresponde sa oras ng pangangailangan, programa, patakaran, at sistema sa iba’t ibang lugar tuwing may kalamidad.
Tinalakay din ng dalawang partido ang pagpapatupad ng Sendai Framework at ang paghahanda para sa darating na Asia-Pacific Ministerial Conference on Disaster Risk Reduction (APMCDRR) 2024, kung saan nagiging host ang Pilipinas sa Oktubre sa susunod na taon.
Nagpahayag naman ng pasasalamat si Undersecretary Nepomuceno sa JICA at sa pamahalaan ng Japan sa kanilang suporta sa Pilipinas.
Lumahok din sa nabanggit na programa sina OCD Assistant Secretary Markus Lacanilao at Director Ronald Vizconde. | ulat ni Mary Rose Rocero