Pilipinas at UN Office of Counter Terrorism nagsanib pwersa sa pagpapalakas ng passenger data system kontra terorismo

Facebook
Twitter
LinkedIn

Patuloy ang pakikipag-ugnayan ng Bureau of Immigration (BI) sa international organizations tulad ng United Nations Office of Counter Terrorism (UNOCT) upang mapagbuti ang mga sistema nito kontra sa mga external threats tulad ng terorismo.

Nito lamang ika-6 na Disyembre, magkasama ang BI at UNOCT sa paglunsad ng Southeast Asia Regional Informal Working Group (IWG) hinggil sa Advance Passenger Information (API) at Passenger Name Record (PNR).

Sinasabing ang Advance Passenger Information System (APIS) ng BI ay magpapalakas sa pamamahala ng border sa pamamagitan ng pagsusuri ng data bago ang pag-alis ng isang pasahero, para sa karagdagang seguridad laban sa mga banta mula sa labas ng bansa kabilang na ang mga international terrorist.

Ang nasabing IWG forum ay dinaluhan ng mga delegado mula sa higit sa 10 bansa na layong mapalalim ang pag-unawa at pagtutulungan sa pagtatayo ng pambansang API at PNR systems.

Binigyang-diin naman ni Commissioner Norman Tansingco ang kahalagahan ng pagbabahagi ng kaalaman at mutual support sa mga kasaping bansa para sa pagpapalalim ng kaalaman sa usaping pangkapayapaan sa buong mundo at seguridad sa rehiyon.

Positibo rin si Tansingco na maa-accomplish nila ang mga objectives ng nasabing pagtitipon na dinaluhan ng mga eksperto mula UN at iba pang international organization. | ulat ni EJ Lazaro

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us