Naniniwala si Deputy Majority Leader Erwin Tulfo na panahon nang putulin ng Pilipinas ang mga exchange program nito kasama ang China.
Matatandaan aniya na noong nakaraang administrasyon ay pumasok sa maraming exchange program ang pamahalaan gaya ng sa radio at TV, at mga media practioners na pinapadala sa China para mag-aral.
Ayon sa mambabatas bumababa lang ang tingin sa atin ng China at nagmumukhang namamalimos lang din ang Pilipinas dahil dito.
Noong Agosto ay ipinahinto ni AFP Chief of Staff Romeo Brawner ang military exchange program ng AFP sa China kasunod ng water canon attack ng China sa Pilipinas sa West Philippine Sea. | ulat ni Kathleen Jean Forbes